4 Wheel na De-kuryenteng Forklift Truck Pneumatic Tyre
MALINIS NA ENERHIYA, AKMA SA IYONG PANGANGAILANGAN
Makakuha ng magandang performance na maliit ang epekto. Gumagamit ang Hyster® J2.2 – 3.5A na de-kuryenteng forklift ng mga opsyon sa malinis na enerhiya kasabay ng pagpili ng mga partikular na feature para sa iyong mahihirap na trabaho.
- Flexible na Battery Power
- Katipiran sa Enerhiya
- Nakikita ang Buong Paligid
- Tulong sa operator at Ergonomics
- Proteksyon para sa Matitinding Kondisyon
TIBAY, GINHAWA, WALANG EMISYON.
Pasiglahin ang iyong mga gawain sa loob at labas gamit ang matibay at maiwawastong Hyster J2.2–3.5A electric counterbalance forklift. Matipid sa enerhiya, may opsyon sa baterya, pinagsasama ang malinis na enerhiya sa ginhawa, mahusay na pagganap, at maaasahang tibay para sa matitinding industriyal na gawain.
FLEXIBLE NA BATTERY POWER
KATIPIRAN SA ENERHIYA
NAKIKITA ANG BUONG PALIGID
TULONG SA operator AT ERGONOMIKS
PROTEKSYON SA MATITINDING KONDISYON
Harapin ang iyong mga hamon sa paghawak gamit ang tamang pagpipilian ng baterya. Availble ang lead-acid, lithium-ion, at TPPL (Thin Plate Pure Lead) na opsyon para magamit sa pang-araw-araw mong gawain. Ang de-kuryenteng forklift na may baterya ay hindi naglalabas ng mapaminsalang usok, kaya’t tumutulong ito na makamit ang iyong mga layuinin sa pagpapanatili ng kalikasan.
Palakasin ang pagiging produktibo at panatilihing mababa ang kabuuang gastos sa pagmamay-ari sa pamamagitan ng pagpili ng drive motor na akma sa iyong mga pangangailangan gamit ang Hyster J2.2–3.5A forklift.
May opsyonal na pinalakas na motor package na nagtatampok ng permanent magnet drive motors at permanent magnet hydraulic pump. Makakatulong ang solusyong ito sa pamamahala ng pangangailangan sa pag-charge, pagpapahaba ng oras ng paggamit, at mas episyenteng paggamit ng baterya—perpektong opsyon para sa mga operasyong nangangailangan ng mataas na performance ngunit mababang konsumo ng enerhiya.
Suportado rin ng disenyo ng trak ang episyente sa maintenance, pinapasimple ang serbisyo at pinapababa ang oras ng pagkakahiwalay sa operasyon.
Ang malinaw na visibility ay nagbibigay-daan sa mas produktibong trabaho ng mga operator at nakakatulong upang maiwasan ang mga insidente at pinsala. May espesyal na disenyo ang mast ng Hyster J2.2–3.5A electric counterbalance forklift para sa mas malawak at malinaw na visibility sa lahat ng direksyon.
Pinakamalawak na view sa klase nito* mas pinalawak ang tanaw sa pagitan ng mast para sa mas ligtas, mas episyenteng operasyon. Nagbibigay ito ng malinaw na tanaw sa dulo ng mga fork, mas mahusay na visibility sa mga kargamento, at tumutulong sa mas mataas na kamalayan sa paligid habang bumibiyahe.
Ang de-kalidad na liksi ay tumutulong sa mas mataas na performance, salamat sa Zero Turn Radius steer axle na nagbibigay ng kumpiyansa at maluwag na paggalaw kahit sa karaniwang sukat ng pasilyo.
*Batay sa 2023 test data kumpara sa mga kaparehong modelo ng ibang mahigpit na kakompitensiya. (Linde, Toyota, Mitsubishi, CAT, TCM at Logisnext)
Malampasan ang pisikal na hamon ng pagpapatakbo ng forklift upang mapanatili ang tuloy-tuloy na produktibidad. Ang operator compartment ng J2.2–3.5A lift trucks ay idinisenyo para sa ergonomic at komportableng karanasan sa trabaho bilang pamantayan, na may touchscreen display na tulad ng sa smartphone, madaling gamitin at pamilyar sa mga operator.
Kapag mas mataas ang hinihinging ginhawa sa masinsinang operasyon, maaaring i-fine-tune ang mga Hyster electric A Series forklifts para tugma sa iyong pangangailangan. Maaaring i-optimize ng mga opsyon sa upuan ang kapaligiran para sa mga operator na nagtatrabaho nang mahabang oras. Ang pagpili ng dual joystick control feature ay maaaring magpahusay sa karanasan ng operator sa pamamahala ng mga hydraulic function ng forklift.
Ang mga Add-on Operator Assistance Systems (OAS), kabilang ang camera at light packages, ay maaaring magbigay ng karagdagang suporta sa ilang partikular na aplikasyon. May opsyonal na [HN1] Dynamic Stability System (DSS) na makatutulong upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakatagilid ng trak at magpatibay ng ligtas na gawi ng mga operator. Minomonitor ng sIstema ang mga kondisyon ng pagpapatakbo at nililimitahan ang functionality ng trak kapag may natukoy na partikular na kondisyon.
Harapin ang hamon ng kalikasan gamit ang mas pinahusay na proteksyon sa kapaligiran. Dahil sa IP67 rating, ang lahat ng modelo sa electric series na ito ay may mataas na proteksyon laban sa alikabok at pinsala dulot ng tubig. Makakaasa ang mga industriyal na pasilidad sa maaasahang pagganap sa labas, kahit sa masamang panahon o matitinding kondisyon ng kapaligiran, gayundin sa loob ng mga lugar ng produksyon o imbakan. Ang elektronikong forklift na ito ay nagbibigay ng kinakailangang flexibility upang mapanatili ang tuloy-tuloy at produktibong operasyon.
WIRELESS NA PAMAHAHALA NG ARI-ARIAN
HYSTER TRACKER
Nagbibigay ang Hyster Tracker ng totoong wireless na pamamahala ng fleet, kayang maghatid ng kahusayan ng fleet, pinahuhusay ang pagganap ng operator, binabawasan ang carbon footprint mo, at pinabababa ang iyong kabuuang gastos ng paghawak ng materyales.
PALAKASIN ANG IYONG MGA POSIBILIDAD
HYSTER POWER MATCH
Hindi pare-pareho ang lahat ng lakas. Matutunan kung paano maaaring makagawa ng pagkakaiba sa iyong mga operasyon ang isang mas mahusay na itinugmang pinagmumulan ng lakas.
Ang trak ay bahagi lang ng aming solusyon
Alam ng Hyster na mas magiging epektibo pa ang isang matibay na trak sa usapin ng pagiging malakas na partner para matugunan ang mga natatanging pangangailangan mo.