RO1.6-2.0 Reach Truck para sa panloob at panlabas
R1.4-2.5 Reach Truck Forklift

PANLABAS NA REACH TRUCK

PANLOOB AT PANLABAS NA PRODUKTIBIDAD PARA SA MAHIRAP NA APLIKASYON

Isang matibay na '2-in-1' Reach Truck para tulungan kang Palakasin ang Iyong mga Posibilidad sa mga site na may panloob at panlabas na operasyon. Ginawa para sa mabigat na pag-iimbak, pagdadala, at pagkarga sa iba't ibang klase ng mahihirap na industriya, at nababagay sa mga aplikasyong may hindi pantay na panlabas na kondisyon ng lupa, pati na sa panloob na operasyon sa warehouse.

  • Mahusay na visibility
  • Maginhawa sa operator
  • Super Elastic na mga gulong
  • Madaling ipasok/ilabas ng operator
  • May feature na nagpapahusay ng panahon ng paggana
Pinakamahusay sa Industriya

- Automotive - Mga Kemikal - Logistics - Mga Metal - Papel - Mga Port at Terminal - Retail - Kahoy

Magsimula ng Quote

Interesado sa karagdagang impormasyon sa lift truck na ito? Available ang aming team para sa mga solusyon na talakayin ang iyong partikular na paggamit at kung paano matutugunan ng produktong ito ang iyong mga pangangailangan.

Simulan ang pag-quote

PINAGSAMANG TIBAY AT FLEXIBILITY

PINAGSAMANG TIBAY AT FLEXIBILITY

Tamang laki ng fleet mo gamit ang flexible na Hyster® Outdoor Reach Truck. Kunin ang mga paleta sa loob at ikarga ang mga ito sa mga truck sa labas, o madaling idiskarga ang mga truck na may iba't ibang kondisyon sa sahig, bago ilagay ang mga paleta sa warehouse – gamit lang ang iisang truck.

Matigas at matibay

Ang matitibay na Reach Truck, para sa pagbubuhat ng hanggang dalwang tonelada, ay may Super Elastic na gulong sa load at drive wheel. Partikular na epektibo sa pagbagay sa epekto ng hindi pantay na lupa sa labas ang Super Elastic na mga gulong, ginagawang komportable para sa mga driver, habang binibigyan ang Hyster ng tibay kung saan nakasalalay ang mahihirap na aplikasyon.

Sa loob, sinusuportahan ng mga modelong ito ang mahihirap na operasyon sa makikitid na daanan ng mga warehouse, na may mas compact na disenyo kumpara sa karamihan ng mga counterbalance na lift truck. Sa pamamagitan ng 3-stage FFL mast at tilting at side-shifting fork, puwede itong magbuhat hanggang sa taas na 7.5m sa warehouse para masulit ang storage kapag kailangan.

Simpleng Serbisyo at Pagmamantini

Mahalaga na simple ang pagseserbisyo at diagnostic sa disenyo ng truck, na nakatutulong na sulitin ang panahon ng paggamit. Puwedeng ma-access ang diagnostic data sa display ng truck, sa halip na magsaksak ng laptop, kaya madali lang na mainspeksyon ito.

Mayroon ding iba't ibang standard at opsyonal na sensor ang Panlabas na Reach Truck para mapahusay ang reliability ng mga piyesa, mabawasan ang panahon ng pagkukumpuni, at mabawasan ang Kabuoang Gastos ng Pagmamay-ari. May mahabang agwat ng serbisyo na 1000 oras, kaya nababawasan ang mga pangangailangan at gastos sa serbisyo para sa maintenance, at madaling makuha at palitan ang mga piyesa. Puwedeng magbigay ng real-time status insights ang opsyonal na Hyster Tracker telematics, para makatulong na i-manage ang mga kinakailangang serbisyo sa nakaplano at di-nakaplanong maintenance.

Opsyon na Litrhium-Ion na Baterya

Para mas ma-optimize ang pagiging produktibo, available ang Hyster® Outdoor Reach Truck na may opsyong lithium-ion na baterya. Nagpapabilis nito ang pagcha-charge tuwing break nang walang masamang epekto sa baterya, para masuportahan ang multi-shift na mga operasyon at ma-maximize ang fleet uptime.

Sa mga lithium-ion na baterya, hindi kailangan ang gas o tubig, at walang panganib ng acid spill. Depende sa mga lokal na regulasyon, puwede ring i-maximze ang espasyo habang nakasaksak ang truck para i-charge ito sa buong araw, sa halip na ilagay sa isang nakatalagang charging room. Puwede ring mabawasan ang kanilang battery fleet sa pamamagitan ng matinding multi-shift na mga operasyon. Isa pang opsyon ang mga lead-acid na baterya, na nagbibigay daan sa mga aplikasyong makapili ng power source na pinakabagay sa kanilang partikular na pangangailangan. Available din ang iba't ibang opsyon sa pagkuha ng baterya at mga charger.

Mga cab para sa panlabas na kaginhawaan

Para sa mga operasyong nangangailangan ng madalas na paggamit sa labas, may iba't ibang opsyong mas nagpapaginhawa at produktibo sa operator. Mga semi at full cab, full cab heating, at mga opsyon sa wiper, makakatulong lahat para mapaganda ang karanasan ng driver sa labas.

Para sa mga madalas nago-operate sa mahihirap na panloob na warehouse, may available na pagpipilian ng mga overhead guard para ma-maximize ang pataas na visibility. Puwedeng maglipat ng mga paleta ang mga operator nang walang kakaba-kaba, sa buong shift. Nagbibigay ng proteksyon sa mga operator ang matigas na 20mm na salamin sa overhead guard.

Puwedeng palitan ang upuan, pagmamaneho, at display ang Panlabas na Reach Truck. May iba'at iba ring kamera, monitor, at ilaw na makatutulong sa mga operator na nagtatrabaho sa madidilim na bakuran o busy na mga warehouse.

WIRELESS NA PAMAHAHALA NG ARI-ARIAN

HYSTER TRACKER

Nagbibigay ang Hyster Tracker ng totoong wireless na pamamahala ng fleet, kayang maghatid ng kahusayan ng fleet, pinahuhusay ang pagganap ng operator, binabawasan ang iyong carbon footprint at pinabababa ang iyong kabuuang gastos ng paghawak ng materyales.

Tuklasin ang Hyster Tracker
Atom illustration with power button in the middle

PALAKASIN ANG IYONG MGA POSIBILIDAD

HYSTER POWER MATCH

Hindi pare-pareho ang lahat ng lakas. Matutunan kung paano maaaring makagawa ng pagkakaiba sa iyong mga operasyon ang isang mas mahusay na itinugmang pinagmumulan ng lakas.

Tuklasin ang iyong lakas

Paghanap sa tamang truck

Gamitin ang aming tagapili ng produkto upang hanapin ang tamang trak para sa iyong aplikasyon.

Tuklasin ang mas maraming trak