H2.0-3.5A
H2.0-3.5A
H2.0-3.5A
H2.0-3.5A
H2.0-3.5A

ICE PNEUMATIC NA GULONG

NATATANGING HYSTER, GINAWA PARA SA IYO

Mga Modelong
H2.0-3.5A
Kapasidad sa Pag-load
2000-3500kg

Sa pagdidisenyo ng sarili mong Hyster H2.0-3.5A forklift truck, magiging komportable ka, makakatipid, at makakakuha ka ng magandang performance na bagay sa iyong operasyon at sa pangangailangan ng nagmamaneho nito. Bukod diyan, makakakuha ng mga materyales na pamalit na pasok sa budget mo, dahil hinid mo isasama ang mga feature na hindi mo kailangan.

  • Makikita mo ang buong paligid
  • Disenyong nasa sentro ang nagmamaneho
  • Mababang Kabuuang Gastos ng Pagmamay-ari
  • Magandang Performance at Pagiging Produktibo
  • Teknolohiyang Tumutulong sa Nagmamaneho
Mga Sektor ng Industriya

- Pagmamanupaktura ng Sasakyan at Transpostasyon - Materyales sa Pagtatayo - Mga Kemikal at Plastic - Pamamahagi ng Pagkain - Tindahan ng mga Gamit sa Bahay at Iba Pang Durable - Mga Daungan at Terminal (Intermodal/Imbakan ng Container)

Magsimula ng isang Quote

Gusto mo ba ng iba pang impormasyon o ng quote para sa produktong ito? Sabihin sa amin ang tungkol sa iyong aplikasyon at ang aming solutions team ay makikipag-ugnayan upang talakayin ang iyong mga partikular na pangangailangan at simulan ang proseso ng pag-quote.

Magsimula ng isang quote Magsimula ng isang Quote

GINAWA PARA SA IYO

KOMPORTABLE, MURA, AT MAGANDANG PERFORMANCE

DISENYONG NASA SENTRO ANG NAGMAMANEHO

Ang H2.0-3.5A series ay dinisenyo para sa ergonomics at maging kumbinyente, para maging mas madami sa mga nagmamaneho na iba't iba ang laki na manatiling komportable sa pagmamaneho.

  • Ang malaking baytang ay 65% mas malaki kaysa sa mga nangungunang kakumpitensiya.
  • Dahil sa natutuping patungan ng siko, walang harang sa pagpasok at paglabas.
  • Malayang makakagalaw ang nagmamaneho dahil malawak ang lugar ng trabaho para manatiling komportable sa panahon ng pagmamaneho.
  • Kakasya ang iba't ibang laki ng nagmamaneho dahil sa nababagong puwesto ng upuan.
  • Dahil sa de-pedal at hand-realeased na preno sa garahe, mas madali na itong gawin kaya sa preno gamit ang kamay.
  • Mabilis at madali nang makikita ang mahahalagang impormasyon sa truck dahil sa standard at makulay na touchscreen display.

MABABANG KABUUANG GASTOS NG PAGMAMAY-ARI

Napapanatiling mababa gastos dahil sa mas kaunting panahon ng pag-aayos. Nababawasan ang dalas ng pagmamantini at pagod ng technician sa bawat truck dahil sa de-kalidad na mga piyesa at disenyo. Dahil nakakatipid sa fuel, nakakatipid ng oras ng operasyon. *Konsumo ng krudo ayon sa VDI EN16796. H2.5A na may VDP hydraulic pump verses Linde H2.5D at Toyota 56-8FD25F

KATAMTAMAN NA PAGGANAP AT PAGIGING PRODUKTIBO

Dahil nakikita ang buong paligid, malinaw mong makikita ang nasa palibot mo. Dapat iwasan bilang panganib ang iba pang forklift truck, robotics, dumadaan, at iba pang sasakyan. Dapat na malinaw na nakikita ang paligid para maiwasan ang mga insidente at pinsala.

TEKNOLOHIYANG TUMUTULONG SA NAGMAMANEHO

Tumutulong ang opsyonal na Dynamic Stability System (DSS) sa nagmamaneho para maitaguyod ang tamang pamamaraan ng pagtatrabaho at makapagbigay ng alertong naririnig at nakikita na puwedeng maitala sa pamamagitan ng sistema ng standard Hyster Tracker® telemetry.

Ang mga feature na opsyonal na tulong sa nagmamaneho, gaya ng sistema ng pagtukoy sa bagay at layo, ay nagbibigay ng alerto na awtomatikong nagbabago ng performance ng truck batay sa kondisyon sa kasalukuyan para tumulong na maisagawa ang tamang pamamaraan at mapanatili ang pagiging produktibo.

NAKIKITA ANG BUONG PALIGID
  • Dahil sa mababang dash at malapad na mast, makikita ng nagmamaneho ang dulo ng tinidor
  • Makikita mo ang itaas dahil sa matibay na laminated na salamin sa bubong
  • Malaki ang bintana kaya makikita mo ang tinidor at ang karga nito
Modelo Kapasidad sa Pag-load Load Center Itaas ang Taas Pag-on ng Radius Pangkalahatang lapad Bigat Uri ng Engine Paghahatid
H2.5A
H3.0A 3000kg 500mm 8070mm 2374mm 1186 / 1353 / 1545mm 4642kg Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG Powershift 1-speed / Duramatch
H2.0A 2000kg 500mm 8550mm 2191mm 1160 / 1280 / 1542mm 3613kg Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG Powershift 1-speed / Duramatch
H2.5A6 2500kg 600mm 8550mm 2333mm 1186 / 1353 / 1545mm 4292kg Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG Powershift 1-speed / Duramatch
H3.5A 3500kg 500mm 8070mm 2449mm 1186 / 1353 / 1545mm 4910kg Yanmar 2.1L Diesel / Yanmar 2.2L LPG Powershift 1-speed / Duramatch

WIRELESS NA PAMAHAHALA NG ARI-ARIAN

HYSTER TRACKER

Nagbibigay ang Hyster Tracker ng totoong wireless na pamamahala ng fleet, kayang maghatid ng kahusayan ng fleet, pinahuhusay ang pagganap ng operator, binabawasan ang iyong carbon footprint at pinabababa ang iyong kabuuang gastos ng paghawak ng materyales.

Tuklasin ang Hyster Tracker

Paghanap sa tamang trak

Gamitin ang aming tagapili ng produkto upang hanapin ang tamang trak para sa iyong aplikasyon.

Tuklasin ang mas maraming trak